5 Easy Ways to Live Eco Friendly

Araw-araw, ang dami kong na-re-receive na email. Hehehe, ang dami ko kasi ding sinalihan na e-mail list. Isa sa sinalihan ko ay ang Carousell. Ang Carousell ay isang online ukay-ukay. So kung may mga pre-loved kayo na gamit, pwede niyong i-benta doon.

So ayun nga, one day isang araw, naka receive ako ng e-mail from Carousell na may title na “5 easy Ways to Live Eco Friendly”. So saakin cathcy ang word na “Eco”, tapos may “Friendly” pa, ay dali-dali kong binuksan yung e-mail. Wahahah. OA lang yung dali-dali. :p

Anyway, bakit malaki ang impact saakin kapag narinig ko ang “Eco-Friendly”. Kasi recently, na expose ako sa mga information tungkol sa kung gaano kakalat na ang Earth!

Natuwa ako sa sinulat nila kaya gusto ko din i-share sa inyo ang 5 Easy Ways to Live Eco Friendly, lalo sa mga hindi naka subscribe sa Carousell.

Here it is:

 

1. Use Metal Straw

Ang usual straw na ginagamit natin ay gawa sa plastic. And, alam naman nating lahat na nay forever, sa plastic. Well, hindi naman forever, mga 400 years lang naman. So haller nalang kay Mother Earth diba? And, naisip ko lang, unnecessary naman ang straw, makaka-inom pa din naman tayo kahit walang straw. Let’s not make unnecessary waste na. OK?

Dito ko nabili yung metal straws ko

//www.instagram.com/embed.js

2. Use Eco Bag

Mas ok talaga na may dala tayong eco bag palagi. Kasi alam naman natin lahat na mahilig tayong mag shopping. Ui, in denial si ate gurl. Pero hindi nga. Possible na may nag regalo sa iyo ng eco bag noonh pasko. Or may binili ka sa isang shop, tapos may free eco bag. Or may sinalihan ka na workshop tapos may loot bag na pwedeng eco bag. Ilagay mo na yan sa bag mo, NGAYON NA! Pramis, magbabago ang pananaw mo sa buhay. Echos. Haha! Pero pramis, makakatulong ka kay Mother Earth! Mababawasan mo ang pag gamit ng plastic!

sa Sac People ko naman nabili ang aking eco bag.

3. Use Reusable Cup/Tumbler

Nanunuod ba kayo ng GOT (Game Of Thrones po sa mga hindi nanunuod haha). Diba may sari sarili nga silang “tumbler” hahaha! Pero, seriously, isipin mo tubig is life. So kailangan mo uminom palagi, so kung wala kang dalang tumbler, anong gagawin mo kapag nasa labas ka, mapapabili ka ng bottled water na gawa sa…PLASTIC, so haller nalang uli kay Mother Earth. Ok din ang reusable cup kasi kapag ayaw mo mabigatan, pwede din reusable or collapsible cup lang din ang dala mo.

4. Reusable Clothing

Hindi lang tayo aware, pero hindi lang plastic ang kailangan natin bantayan ang pag-gamit, pati din ang mga textile tulad ng damit. Ang “Textile Waste” ay dumadami din. Ayon sa TWaste Solutions, 3.8 billions lbs ang napupunta sa landfills ng US. Soooooo, pwede nating bigyan ng second chance ang ibang damit!

5. Upcycled Item

Hindi lang damit ang pwedeng bigyan ng second chance, pati ibang bagay pwede din. Tulad ng mga corks na ginawang Wine Cork Coasters. Ang microwave oven na ginawang cabinet. Ang iMAC motherboard na ginawang clock. At marami pang iba! Let’s use our imagination! Para ito sa ikababawas ng kalat sa mundo! Dabuh?!

Ayun lang ang 5 Ways to Live Eco Friendly. Baka may madagdag pa kayo. Kindly leave a comment ^_^ or email me ^_^ yay!

 

By the way, share ko lang yung (1) Metal straws ko, (2) Eco bag, and (4) Reusable clothing (aka ukay ukay).